Nagsagawa ng pagdinig Si Senador Imee Marcos sa Senate foreign relations committee kaugnay ng pag-aresto sa dating pangulong Rodrigo Duterte, batay sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC). Inasahang dadalo sa pagdinig ang mga pangunahing opisyal mula sa mga ahensya ng tagapagpatupad ng batas, hustisya, at seguridad. Inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pakikipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol), na nagresulta sa pag-aresto kay Duterte at ang kanyang paglilipat sa ICC sa The Hague, Netherlands. Si Senador Marcos, na muling tatakbo sa halalan sa Mayo 12, ang kasalukuyang namumuno sa foreign relations committee. Kabilang sa agenda ng Senador para sa pagdinig ang mga sumusunod:
- Paglilinaw sa papel at gampanin ng International Criminal Court, International Criminal Police Organization, at iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pag-aresto kay [Duterte]
- Pagkumpirma na isinagawa ang mga kinakailangang hakbang upang matiyak na ang mga karapatan ni [Duterte] sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas at mga kaugnay na kasunduan ay naipagtanggol nang maayos sa buong proseso
- Iba pang usaping maaaring makatulong sa Komite sa pagbuo ng kinakailangang batas para sa koordinasyon sa pagitan ng mga awtoridad ng Pilipinas at ng mga pandaigdigang hukuman at organisasyon ng pagpapatupad ng batas."