CLAIRE CASTRO PINAGMALAKI NA HANDA ANG GOBYERNO SA MALAKAS LINDOL



Nakahanda ang mga ahensya ng pamahalaan para sa anumang hindi inaasahang sakuna, kabilang ang “The Big One” o ang malakas na lindol na maaaring yumanig sa Metro Manila. Sa isang press briefing sa MalacaΓ±ang, ipinahayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na regular na isinasagawa ang earthquake at fire drills sa mga ahensya ng pamahalaan, pati na rin ang paghahanda ng go bags. Ang pahayag na ito ay ginawa matapos ang malakas na lindol na tumama sa Myanmar at Thailand noong Biyernes, kung saan limang Pilipino ang naiulat na nawawala. “Sa ganitong mga sitwasyon, hindi natin matitiyak ang mangyayari, kaya’t mas mainam na laging handa. Halos lahat ng ating ahensya ay may mga earthquake at fire drills, at mayroon ding nakahandang go bags,” ani Castro. Inatasan ng Palasyo ang mga local government units, partikular ang mga building officers, na magsagawa ng masusing inspeksyon at maging mahigpit sa pagbibigay ng permits upang matiyak ang tibay ng mga gusali. Hinikayat din ni Castro ang publiko na magtulungan sa pagpapalaganap ng impormasyon upang maging handa sa anumang sakuna. “Hinihikayat natin ang ating LGUs na magsagawa ng inspeksyon sa mga gusali upang matiyak ang kanilang matibay na pagkakagawa,” dagdag ni Castro.